mali pala ang mgmahal ng sobra sobra! dapat hindi lang puso ang paiiralin mo kundi dapat pati utak! dapat pagisipan mo muna ang bawat hakbang na gagawin mo bago pa mahuli ang laht at magsisisi ka lang sa huli?at alam nyo ba na pag nagmamahal ka ng sobra kaw rin ang masasaktan sa bandang huli?oo..totoo yon at nangyari na sa akin yon? sad.. bkit ganun?binigay ko lahat lahat sa kanya?ginawa ko lahat ng makakaya ko pero bakit nagawa pa rin niya akong iwanan? iniwan niya ko bigla ng walang dahilan..bigla nalang syang hindi nagpakita sa akin?asan na ang mga pangako namin sa isa't-isa?asan na lahat ng mga pangarap namin na sana kami nalang hanggang sa huli?ano pa ba ang kulang?hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko para mapatunayan sa kanya na mahal na mahal ko sya? last na pagkikita namin e nung June 22,2007.huli niya sa king sinabi bago kami mgkahiwalay e.."mahal na mahal kita andito lang akong palagi para sayo" papaano ko paniniwalaan ang mga binitawan niyang salita ngayon wala na sya? tanong ko lang..talaga bang minahal niya ako? o sadyang pinaglaruan lang nya ang damdamin ko? noon,hndi ako nakinig sa mga taong nagsasabi sakin na hiwalayan ko sya dahil lolokohin niya lng daw ako?pero sya parin ang pinili ko kasi mahal ko sya pero nkamali ako?sana ngayon hindi ako nasasaktan sana ngayon hindi ako nagsisisisi.sana ngayon hindi ako umiiyak..pero salamat narin sa kanya kasi dhil sa kanya natuto akong mahalin ang sarili ko at magtira ng konting respeto para sa kin lamang..kaso ngayon natatakot na ako..natatakot na magmahal ulit.natatakot na baka masaktan lang ulit..natatakot na baka umiyak lang muli ako...tanong ng marami sa kin..mahal mo paba sya? papaano kung bumalik sya,anong gagawin mo?hindi ako kumibo..naisip ko galit ako sa kanya pero mahal ko parin sya..sana nga lang wag na syang bumalik pa dahil ayoko na magkamali ulit..kaya ikaw!!! wag na wag ka nang babalik dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal parin kita. hanggang don nalang yun! dahil ngayon tanggap ko na ang katotohanang wala ng tayo, at hindi na magiging tayo... kahit mahirap, kahit masakit... itutuloy ko ang buhay ko na dati'y umiikot lang sayo !....


--------------------
Saturday, August 18, 2007
" mali pala ang magmahal ng sobra "
Posted by marisse_candee at 6:11 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment